Una sa Balita

AG&P pumiyok sa fake news

0 496

TINAWAG na fake ng Atlantic Gulf & Pacific Company of Manila Inc. (AG&P) ang ulat na naki­pagkasundo sila sa Tang­lawan LNG Philippines Inc.

para ipagbili ang kanilang lupa na gagamiting puwesto sa itata­yong liquefied natural gas (LNG) project ng kompanyang pag-aari ng businessman na si Dennis Uy.

Sa isang pahayag, idiniin ng AG&P na walang katotohanan na nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan nila at ng Tanglawan LNG para sa sinasabing conditional sale ng kanilang lupa.

Iginiit ng AG&P na walang katotohanan ang idinetalye sa mga ulat na naisumite na umano sa Department of Energy (DOE) ang mga dokumento para ganap nang maselyuhan ang kanilang kasunduan na conditional sale ng kanilang ari-arian na umaabot sa US$.2.0 bilyon.

Nanawagan din ang AG&P sa publiko na huwag maniwala sa na­sa­bing report na mismong si Energy Usec. Donato Marcos pa umano ang nagkumpirmang may naganap na lagdaan sa pagitan nila at ng Tanglawan.

Anila, walang totoo sa nasabing ulat kaya dapat lang itong isantabi.

Bukod sa lupa ng AG&P, target din umano ng Tanglawan ang lupa ng National Development Company (NDC) bilang alternative project site. Ito ang dating venue ng Chevron refinery sa San Pascual, Batangas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy