Una sa Balita

Agot ‘di tanggap ang pagkatalo ni Hilbay

0 520

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyIsa sa mga hindi pa nakaka-move on at tila wala nang pag-asang tanggapin ang resulta ng botohan ay si Agot Isidro.

Sumisigaw sa kanyang tweet ang singer-actress, isang indikasyon na hindi nito tanggap ang pagkalaglag sa eleksyon ng sinusuportahan niyang tiket, ang Otso Deretso.

“Klaro kung sino ang nanalo dito. China!” tweet ni Agot.

Si Agot ay kilalang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kasalukuyang gobyerno.

Kasintahan ni Agot ang isa sa mga katiket sa Otso Deretso na si Pilo Hilbay. Bagama’t nagpasa-lamat si Agot sa mga supporter ni Hilbay, palaisipan pa rin sa kanya ang pagkatalo nito gayong lahat ng mga nakakausap niya, mga kaibigan, at sa salon ay nagsasabing ibinoto nila ang kanyang boyfriend.

Katrina may bagong career

Inakyat ni Katrina Halili ang level niya sa pagkahilig sa baking. Heto nga at kumukuha siya ng Culinary Pastry course ngayon. Naka-post sa Instagram wall ni Katrina ang ilang mga la-rawan niya habang nakasuot ng chef uniform at nasa loob ng baking kitchen.

Bagama’t may mga naunang post si Katrina last month ng ilang mga self-baked bread at pastry, ngayon lang nag-post ang sexy actress ng pag-aaral niya ng baking.

Pinahanga ni Katrina ang kanyang mga follower sa social media dahil hindi lang sa pag-arte nais niyang mag-focus kundi gusto rin niyang maging pastry chef.

Sa mga hindi nakakaalam, mahilig magluto si Katrina. Na kapag wala itong taping o anumang showbiz commitment, mas gusto nitong mamalagi sa kanyang bahay at ipag-luto ang maraming kamag-anak na nakatira sa kanyang poder.

Yasmien sagad sa ligaya sa dyowa

Nahihiga sa isang hindi lang ideal kundi ‘perfect marriage’ ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi. Ito ang deskripsyon ni Yasmien sa birthday message niya sa asawang piloto na si Rey Soldevilla.

Nag-post si Yasmien ng ilang larawan ni Rey sa birthday happenings nito sa kanilang bahay at movie date nilang buong pamilya. Sa caption, isinalarawan niya ang asawa bilang understandin­g, loving at supportive husband.

Pinasalamatan ni Yasmien ang asawa sa pagpapakita at pagpaparamdam ng perpektong pagsasama bilang mag-asawa.

“Happy birthday Pangga! @rey_soldevilla. You have shown me what it means to have the perfect marriage. Happy birthday to the best, most understanding and loving husband on earth! Ikaw ang ‘Download Hubby’ ko at ‘Download Daddy’ ni AZ. Mahal ka namin! Mahal kita!” sabi ni Yasmien.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy