Una sa Balita

Agnas na bata, iniluwa ng ilog

By
0 3

Halos agnas na at hindi na makilala ang isang 9-anyos na batang ­lalaki nang marekober ang bangkay mula sa ilog sa Alcala, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jeywel Fiesta, 9, residente ng barangay Maraburab, ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng bata na palutang-lutang sa ilog.

Abante Hiring – IT dep

Napag-alaman na nagtungo si Fiesta sa ilog kasama ang kanyang mga kamag-aral noong Enero 12 pero nagpaiwan pa at mula noon ay hindi na ito nakauwi hanggang sa hanapin ng magulang.

Dito na humingi ng tulong sa pulisya ang magulang hanggang sa matagpuan ang bangkay sa ilog.