Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Agnas na bangkay ng senior citizen umalingasaw

0 56

NAAGNAS na ang katawan ng isang lolo nang nadiskubre sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite Biyernes ng umaga.

Hinihinalang ilang araw nang patay ang biktima na kinilalang si Edwin Paul Acosta Rinonos, 79, may-asawa, ng Summer hills Brgy. Molino 4, Bacoor City

Sa ulat ni PSSgt Albert Badocdoc, ng Bacoor City, Cavite, alas-11:00 kamakalawa ng umaga nang madiskubreng wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanyang bahay.

Nauna dito, ayon sa kasamahan niyang si Ryan Christian Cataylo, ilang beses na niyang tinatawagan ang matanda subalit hindi siya sumasagot kaya nagdesisyon nang puntahan subalit naagnas na ang katawan nito nang madatnan.

Huling nakitang buhay ni Cataylo ang biktima noong Miyerkules. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.