Una sa Balita

Agnas na bangkay ng airport employee nadiskubre sa alingasaw

0 378

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite Police hingil sa pagkamatay ng isang 41-anyos na airport employee na natagpuang naagnas na ang katawan sa Kawit, Cavite.

Masangsang na ang amoy nang madiskure ang bangkay ng biktima na si Lucio Caminero, binata, ng B4, L8, Sunset Meadow Subd., Barangay Gahak, Kawit, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Mark Joseph Arayata ng Kawit Municipal Police Station, alas-sais kamakalawa nang gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kapitbahay na si Sophia De Vera, 48.

Nauna rito, isang Julius Arias, chief tanod ng Brgy. Gahak, Kawit, Cavite ang napadaan sa lugar kung saan nakaamoy ito ng masangsang sa harap ng bahay ni Sophia, dahilan upang tanungin kung mula sa kanya ang masangsang na amoy.

Dahil ‘di naman sa kanila nagmumula ang amoy ay hinanap nila ang pinagmulan nito hanggang sa makarating sa bahay ng biktima.

Mula sa may siwang na bintana ay nadiskubre ang naaagnas nang katawan ng biktima na tanging underwear lamang ang suot.

Ayon kay Arayata, Lunes nang hapon huling nakita ang biktima habang hawak nito ang kanyang aso hanggang sa hindi na nakitang lumabas simula noon.
Nabatid na nag-iisa lamang sa bahay ang biktima. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy