Una sa Balita

Agawan sa lupa

By
0 303

Hi Atty. Claire,May nabayaran po akong lupa na galing sa isang bangko pero ang nanay ko ang nakapangalan sa deed of sale. (Hindi pa naisalin ang titulo ng lupa sa nanay ko  at 6 kaming magkakapatid).

Ang tanong ko po ay tungkol dito sa 2 na­ming kapatid na umaangkin rin sa lupa at ang kanilang basehan ay inheritance. Ang iba kong kapatid ay hindi nakikialam kasi alam nila na ako lang talaga nagbayad sa nasabing lupa.

Ibebenta ko ang lupa kasi may paggagamitan ako sa pera. May karapatan ba itong dalawa kong kapatid na hahadlang o hihingi ng share. 

Nag papasalamat,

Manny

Manny,
Kailan mo ba ‘yan natubos? Natubos mo ba ang property sa pagkakasangla matapos ang redemption period o bago natapos? 
May kaibahan kasi kapag natubos mo bago natapos ang redemption period. Kapag bago natapos ang redemption period ay tinubos mo ang pagkakasangla ang lupa ng nanay mo ay hindi magiging sa iyo ito kundi sa estate ng nanay mo kaya ang mga kapatid mo ay magmamana pa rin  at ibabawas mo lamang ang abono o naibayad mo sa utang ng nanay mo.

Kung after redemption period naman at saka mo nabayaran ang utang ay sa iyo na ang property dahil sa nai­lipat na sa bangko ang ari-arian matapos ang redemption period.

Puntahan mo ang bangko ay suriin ang kalagayan ng panahon na ito ay binayaran mo. Makakabuti rin kung natago mo at naipon ang mga dokumento at patunay ng pagka­kabayad mo.   

Kung ang ibang kapatid mo ay wala nang pakialam sa property na natubos mo ay mas mainam na pumirma na sila ng WAIVER sa kung anumang karapatan mayroon sila.  

Kung lalabas sa mga records na sa estate pa yan ng nanay mo ay may hati pa ang iba mong kapatid pero siguraduhin na bayaran nila ang naabono bago ito mahati at maisalin sa inyong magkakapatid.

Kung hindi pa  ito nakapangalan sa nanay mo ay paano mo naman ito maibebenta? Tiyak na gagastos ka pa rin kayo para mailipat iyan sa pangalan ng nanay mo at saka kayo gagawa ng extrajudicial settlement of estate kung saan pi­pirma kayong magkakapatid. Lahat kayo at dapat magbayad ng tax para mailipat sa pangalan ninyo. 

Puwede rin naman na i-buy out mo mga shares ng kapatid mo at ibawas ang lahat ng gastos at gagastusin.
Kung may katanu­ngan mag email sa attorneyclaire@gmail.com.