Una sa Balita

Agaw-liderato

Belga, Rain or Shine dinungisan ang Phoenix

By
0 478

Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
4:30 pm – Blackwater vs Alaska
7:00 pm – Magnolia vs Rain or Shine

NANGAILANGAN ng extra 5 ­minutes ang Rain or Shine bao binangasan ang dating malinis na kartada ng Phoenix Pulse, 98-94, sa first game sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.

Sumakay ang Elasto Painters sa likod ng career-best 16 points ni Kris Rosales at 16 markers din ni Beau Belga para itawid ang pang-anim na panalo sa pitong laro, inagaw ang trangko ng PBA Philippine Cup elims.

Balik sa lupa ang dating namamayagpag na Fuel Masters, napigil sa lima ang franchise-best start at nahatak sa 5-1.
Nawalan ng saysay ang career-high 27 points din ni Jason Perkins sa Phoenix at 16 points, 12 rebounds ni Calvin Abueva.

Umayuda ng 13 points si ­Maverick Ahanmisi, tumapos si Raymond Almazan ng 12 points sa RoS.

Tulad ng inaasahan, pukpukan ang laro ng dalawang pinakamainit na teams, natapos ang first quarter sa apat na puntos na bentahe ng Painters bago pumasok sa break kipkip ang 45-36 edge.

Inilayo ng Rain or Shine 53-42 sa drive ni Ahanmisi pero nagkasa ng 14-3 run ang Fuel Masters, huli ang layup ni Alex Mallari para ibuhol sa 56-56, 5:45 sa third.

Sa sumunod na 4 minutes ay Painters naman ang kumaripas ng 14-0 spurt sa pangunguna ni Raymond Almazan tungo sa 70-56 lead.

Natapos ang regulation, 87-87, nang sumablay ang last-second 3 ni James Yap matapos itabla ng jumper ni Jason Perkins.

Isa pang panablang 3 ni Perkins sa OT bago sinagot ng layup ni Ray Nambatac, 94-92, at hindi na bumitaw ang Rain or Shine bago sinelyuhan ng floater ni Mark Borboran ang panalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy