Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

“Agaton” hinambalos Visayas, Mindanao

0 271

Isinailalim na sa storm Signal No. 2 ang 24 na lugar sa bansa dahil sa patuloy na pagbayo ng bagyong ‘Agaton’ sa loob ng nakalipas na mga oras.

Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nasa tropical storm Signal Number 2 ang Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City na nasa southern portion ng Eastern Samar; Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao, Villareal at Santa Rita sa Southern Samar; at Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan at Tolosa sa northeastern portion ng Leyte.

Samantala, nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Eastern Leyte, Samar, Northern Samar, Biliran, natitirang bahagi ng Lyte, Southern Leyte at Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon, Camotes Islands, Surigao del Norte at nalalabing bahagi ng Dinagat islands.

Sinuspinde na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) Sorsogon Station ang lahat ng biyahe sa Matnog, Sorsogon-Allen, Northern Samar na ruta dahil sa bagyo.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ng Philippine Ports Authority (PPA) na hindi na rin pinaya­gan ang pagbiyahe sa Eastern Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Camotes Islands dahil sa malakas na pananalasa ng bagyo.

Kanselado na rin ang mga klase sa Maasin, Southern Leyte, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.