Una sa Balita

Agatha Wong: Chinese apelyido ko pero Pinay ako

0 590

HINDI napigilang maglabas ng saloobin ang gold medallist­ wushu star na si Aga­tha Wong sa mga nagsasabing may dugong Chinese ito kaya nananalo sa kompetisyong pang-Intsik at hindi niya umano dapat nirerepresinta ang Pilipinas.

“My last name’s Chinese & yet I am a Filipina; more than anything. I was born in the Philippines, grew up in the ph & represent the Phili­ppines wherever I go. Mahal ko ang bayan ko,” tweet ni Agatha (@AgathaWongy).

Dagdag pa niya, hindi dahil may lahing­ Chinese siya ay awtomatikong mananalo na ito dahil para sa kanya mas lamang ang pagiging pusong Pinay niya kaysa sa apelyido niyang Intsik.

“So don’t tell me I’m Chinese kaya ako nanalo. Nanalo ako dahil Pilipino ako, at lalaban ako,” pahabol pa niya sa kanyang tweet. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy