Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Agatha naghahanda sa SEAG, Asian Games

0 64

PATULOY ang pagpapakondisyon ni wushu artist at 2019 Southeast Asian Games gold medalist Agatha Wong para sa nakatakda nitong mga kumpetisyon sa susunod na taon.

Kamakailan, komopo si Wong ng dalawang gintong medalya sa Asian Traditional Wushu Competition Online 2021 habang tumapos ang Philippine squad sa fourth overall ng torneo.

Nanalo si Wong sa female Tai Ji Quan event at female Tai Ji weapon event ng nasabing kumpetisyon.

Bagaman dumaan sa pagsubok sa torneo, pasalamat naman ang 23-year-old wushu star sa naging resulta ng national squad sa online tourney kung saan sumungkit ang PH team ng anim na ginto at anim na pilak na medalya.

Related Posts

“Thankfully, we all pulled through naman as a team so lahat po kami nag-bagged ng medal,” sey ni Wong sa TabloIds Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports on Air” via Zoom, Huwebes.

Samantala, pinaghahandaan ni Wong ang pagsabak nito sa 31st SEA Games sa Vietnam, Asian Games na gaganapin sa China, World Cup, Asian Champioship at iba pa.

“For me po, I’m just trying to condition my body the way it was noong 2019. Unfortunately, hindi naman yun yung case talaga every time syempre kasi nag-pandemic and also I don’t have the necessary place and equipment to continue to condition my body the way it was before,” saad pa ni Wong sa weekly public service program na handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusement Board (GAB).

Dugtong pa nito, “so right now, I’m just trying to make myself stronger, hindi naman in terms of yung added muscle it’s more of yung muscular endurance we need for wushu and yung stamina ko kasi it’s really required for something what I do which is wushu.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.