Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Agatha markado sa Hanoi Games

0 77

AASAHAN ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) na muling magbibigay ng gintong medalya sina two-time 2019 Southeast Asian Games champion Agatha Wong sa women’s Taolu at men’s Sanda titlist Clemente Tabugara Jr. sa darating na Hanoi meet sa Mayo 12-23.

Tinatayang aabot lamang sa kabuuang 2-3 gold medals ang nakikitang maibubulsa ng Wushu national team sa Vietnam Games matapos lumagare at maging overall champs nung 2019 edisyon sa 7 golds at tig-2 silver at bronze medals dahil umano sa kakulangan ng pagsasanay kabilang na ang international exposure sa bakbakang nakatakda Mayo 13-15 sa Trinh Hoai Duc Gymnasium.

“I think medyo mahirapan to retain the number of medals we had last 2019 SEAG, but hindi naman tayo maze-zero,” pahayag ni Wushu President Freddie Jalasco sa mensahe nito sa Abante Sports. “Although most of them are capable of delivering same medals in the SEAG 2019. Pero inaasahan talaga pa rin natin si Agatha sa Taolu & Clemente in Sanda, both will banner the team for medals.”

Naging malaking balakid sa kampanya ng wushu team ang kakulangan sa preparasyon na idinaan lamang karamihan sa online trainings, higit na sa inaasahang Sanda events na lubhang naapektuhan dahil kinakailangan ito ng aktuwal na partisipasyon at pagsasanay.

Kapapasok lamang noong isang buwan ng nationa squad sa ‘bubble training camp’ sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila matapos itong dumaan sa renobasyon.

Limang gintong medalya mula sa men at women’s Sanda ang matagumpay na naibulsa ng bansa mula kina Clemente (65kgs), Arnel Mandal (52kgs), Francisco Solis (56kgs) World women’s champion Divine Wally (48kgs) at Jessie Aligaga (48kgs), na hindi makakalaro dahil natanggal ang kanyang kategorya.

Nabawasan ng 4 na kategorya ang men’s sanda, habang naging 4 rin ang women’s sanda, samantalang mas dumami ang men at women’s Taolu na pangungunahan naman ni Taijiquan at Taijijian champion Wong. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.