Una sa Balita

Agarang solusyon sa tubig ilatag — VP Leni

0 878

QUEZON Province — Nanawagan si Vice President Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema tungkol sa suplay ng ­tubig sa Metro Manila, lalo na sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpapatayo ng mga dam na pinagkukunan ng tubig.

Sa kanyang pagbisita sa bayan ng Infanta, kung saan balak itayo ang Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang kahalagahan ng pagsisiguro na kasali ang mga residente, lalo na ang mga katutubong naninirahan dito, sa pagpapasya kung dapat bang ituloy ang nasabing proyekto, na gagawin sa ilalim ng kontrata sa pagitan ng Pilipinas at China.

Dagdag pa ng Bise Presidente, imbes na itulak ang proyekto—sa gitna ng mariin na pagtutol dito—tingnan na lamang ng administrasyon ang pagsasaayos ng mga existing na pinagkukunan ng water supply upang mas mara­ming tubig ang mailagay dito. Dapat rin umanong tugunan ng pamahalaan ang mga tanong tungkol sa pinasok na kontrata, sa pagitan ng Pilipinas at China, upang maipatayo ang na­sabing dam.

Sumang-ayon dito ang mga kandidato ng Otso Diretso, at idinagdag na hindi dapat daanin ng administrasyon sa palusot ang kakulangan ng suplay ng tubig na kasalukuyang nakakaapek­to sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon kay Atty. Chel Diokno, dapat magkaroon ng komprehensibong plano ang administrasyon at ayusin ang ­water policy ng gobyerno, dahil sa ngayon ay “parang watak-watak ito” at “nagkakanya-kanya” ang mga ahensiya na kasali sa pagpapatupad ng polisiyang ito.

Para naman sa beteranong election lawyer na si Romy Macalintal, dapat magtayo ng tankering system ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar kung saan mahirap ang suplay ng tubig.

Kasama nina Diokno at Macalintal na tumatakbo sa ilalim ng Otso Diretso sina Senator Bam ­Aquino, Congressman Gary Alejano, dating senador Mar ­Roxas, dating congressman Erin Tañada, dating ­solicitor general Pilo Hilbay, at dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy