Una sa Balita

Agarang aksyon at hustisya

0 351

Minsan nasumpu­ngan ko sa telebisyon ang isang episode ng Wanted sa Radyo, at ang kanyang guest ay mga guwardya na tila sinibak sa trabaho nang walang anu-ano.

Ang mga guwardya ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong. At sa maikling panahon na iyon ay nakakuha at nakaramdam ng katarungan at hustisya ang mga abang gwardya.

Nakakamangha kung papaano pinafacilitate ni Mr. Tulfo ang pagkuha ng relief sa mga problema ng mga taong lumalapit sa kanya. Hindi siya basta basta nanghihimasok sa problema. Nakikinig siya sa mga tila pasyente at nagkakaroon ng tila ­diagnosis, bago niya um­pisahan ang paghahanap ng kasagutan. Iba’t ibang mga problema. Civil cases at maging criminal cases.

Noong isang beses naman, isang guwardya ang tutok na tutok sa kanyang cellphone na nanonood ng Wanted sa Radyo. Dalawang tila misis at iisa ang asawa nila na tila pinagharap para magkaaregluhan sa kung anong problema.
Ganyang ang mga idinudulog sa Wanted sa Radyo, kay Mr. Tulfo. Iba’t ibang mga problema, iba’t ibang mga kaso.

Ang kagandahan ay may agarang tula hustisya o kasagutan sa problema ang nakukuha ng mga lumalapit sa kanya.

Matagal na ang programang ito, noong una sa radyo lang. at ngayon ay mayroon nang tele­radyo kaya nakikita sa sa telebisyon ang programa. Maging sa digital mga platform. Kung nais ng mga tao na mapanood ‘yung ibang mga episode ng program maaaring mapanood ito sa youtube.

Malakas ang programa at ang isa pang kagandahan kung kaya lalong dumaraminang mga dumudulog ay ang agarang pagkuha ng ginhawa o relief, o ‘di kaya’y solusyon sa mga kaso o problema. Sa tingin ko nga ay hustisya.

Katulad ng mga sinibak na pulis. Ito ay hindi simpleng kaso. Paglabag ito sa batas at ang tanging maaaring magdinig lang nito ay ang DoLE. At ma­ging ang pagfacilitate ni Mr. Tulfo ay naaayon sa batas. Hindi nito pinangu­ngnahan ang batas. ­Minsan lang ay tumataas ang ­boses niya at binabantaan ang sinumang kausap niya, halimbawa adminstrador o may-ari ng kumpanya, lalo na kung ito ay hindi nakikinig at wala na sa lugar kung sumagot at umasta. Sa ganyan mo rin makikita ang tapang at tila awtoridad ni Mr. Tulfo. Walang takot na hinaharap ang mga kausap, kahit na ano pang mataas na posisyon sa kumpanya o gobyerno. Di nya inaatrasan.

Ngunit sa ganyang paraan nakakapagbigay ng agarang, kung hindi man solusyon, ay relief o ginhawa sa mga taong humihingi ng tulong. Kung kaya lalong dumarami ang lumalapit,
Maliit man o malaki na problema. Civil o maging criminal na kaso. May tila agarang hustisya.

Ang ikinalulungkot ko lang ay ang mga ahensya ng pamahalaan na dapat nilalapitan ng mga tao para sa kanilang mga kaso ay tila nagiging ­inutil. Nawawalan ng saysay. Nabuburo ang mga ­reklamo. Walang agarang atensyon man lang.

Ano na ang papel hudikatura? Hindi ba sila nahihiya niyan. Sa sobrang bagal ng pagtakbo ng hustisya, ay ‘di na nilalapitan ng mga tao para magdulog ng reklamo. Maging sa pulis o barangay. Dahilan nsa kabagalan ng hustisya ay nawawalan ng pag-asa ang mga taong nais humingi ng tulong para sa kanilang mga problema.

Dahil may aksyon agad sa programang Wanted sa Radyo, mas gugustunin pa ng mga taong lumapit dito. Gayundin naman ang proseso, kung away nang mag-asawa, ang aksyon ni Mr Tulfo ay ilapit sa barangay dahil dito ang unang pagdidinigan ng mga ganyang kaso. Ngunit imbes nampumunta ang mga tao sa barangay ay sa Wanted sa Radyo. Dahil nga may aksyon agad. May nakukuhang tila relief sa mga problema. At yon ang inaasahan ng mga tao. Lalo na ng mga maliliit at ordinaryong mga tao.

Gayundin yung kaso ng mga gwardya, naaksyunan agad. At hindi lang yon, inaayos na rin ang follow up at mga fallback na mga aksyon.

Dahil sa kung anong sistemanang meron ang hudikatura at mabagal pa sa pagong ang hustisya, ang mga tao ay nanaisin pang lumapit sa Wanted sa Radyo dahil doon ay may agarang aksyon at hustisya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More