Una sa Balita

AGAP tutol sa pag-alis ng taripa sa agri-products

0 116

MAHIGPIT na tinututulan ng pamunuan ng Agricultural Sector Alliance of the Phi­lippines (AGAP) ang plano ng Kongreso na alisin ang buwis o taripa sa lahat ng ina­angkat na agri-products sa ibang bansa.

Sa isang media forum, sinabi ni AGAP President Nicanor ‘Nick’ Briones, malulugi at unti-unti mamamatay ang kabuha­yan ng mga magsasaka, magmamanok, magbababoy at mangingisda sa bansa sa mungkahi at planong ito ng Kongreso.

Ayon kay Briones, masasakripisyo ang ‘food security’ at babagsak ang kabuha­yan ng may 33 milyong Filipino kapag itinuloy ang plano dahil tatamarin nang magtanim, mag-alaga ng hayop at ma­ngisda ang hanay ng mga magsasaka at backyard hog and poultry raiser sa bansa.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Briones, tiyak na babaha ng imported agri-products sa bansa kapag itinuloy ang nasabing plano na tila ginawang ligal ang smuggling at hindi rin makikinabang dito ang consumer. 

Inihayag ni Briones na tanging ang mga importer at trader lamang ang makikinabang sa nasabing plano.

“Ang naisip nilang solusyon sa mataas na bilihin at pagtaas ng ‘inflation rate’ ay hindi solusyon sa halip ay lalong tataas ang antas ng kahirapan sa bansa,” sabi pa ni Briones.

Aniya, ang dapat tanggalan ng taripa ay gasolina at kuryente para bumaba ang presyo nito na tiyak na ikatutuwa at pakikinabangan ang maraming Filipino.

Sa ngayon ay gumagawa na ng re­solusyon ang AGAP at iba pang grupo upang pigilan ang nasabing plano.