Una sa Balita

Aga, Xia movie trailer nagpaiyak sa mga fan

0 651

Ang bongga ng trailer ng pelikula nina Aga Muhlach at Xia Vigor na “Miracle in Cell No. 7”, na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival.

Super bongga na sa mga unang oras pa lang nito, milyon na agad ang nag-view. At katunayan, habang sinusulat ko ito kahapon ng umaga, umabot na sa 4.8M ang views nito.

Wow, wala pang isang araw o 24 oras, hamig na agad ang interesado sa movie na ito. Kunsabagay, sikat na sikat din naman kasi ang pelikulang ito na unang ginawa ng mga Koreano.

Big hit ito sa Korea, at kahit dito sa Pilipinas ay mega panood ang mga tao sa YouTube.

Sabi nga ng mga nakapanood, trailer pa lang ay naiyak na sila. Na si Aga nga raw ang pinaka-perfect na artista para sa bidang lalaki.

Na good Filipino version ito, na nangilid agad ang mga luha nila habang pinanonood ang eksena nina Aga at Xia.

May iba naman na nahikayat na magka-baby na dahil sa nakitang tandem nina Aga at Xia.

Kaya sa mga reyna at hari ng MMFF, ‘wag daw pakakasiguro, dahil malay niyo, bigla na lang kayong malusutan ng movie na ito nina Aga at Xia, ‘di ba? (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy