Una sa Balita

Aga, sikat na Korean actor mag-textmate

0 311

Ni: Rose Garcia

Ang South Korean actor na orihinal na gumanap sa role ni Aga Muhlach ngayon sa isa sa eight official entry for 2019 Metro Manila Film Festival na “Miracle in Cell No. 7” na si Ryu Seung Ryong at isa rin sa cast ng hit zombie drama ng Netflix na “Kingdom” ay ka-textmate na ni Aga.

Si Aga mismo ang nagkuwento nito sa presscon ng movie. Sey ni Aga, “As a matter of fact, we text each other. I text him. We’re in constant communication now.”

Inimbitahan din daw niya ito sa magiging premiere night nila, ‘yun nga lang, busy rin ang schedule ng Korean actor.

“But he said, it’s really an honor to be invited in your premiere and I can’t wait to see your movie.

Aware rin si Aga na iba na rin ang landscape ngayon ng paggawa ng pelikula. Tulad na lang nga ng movie nila which is an adaptation from a Korean film.

Kaya tinanong ito kung mas may pressure ba sa kanya ngayon ang gumawa ng pelikula?

“Sa akin kasi, it’s always a good movie. It’s always been the same. I did my best. Pag-aaralan ko ‘yung character ko. Kapag ginawa ko siya, mamahalin ko, gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para gumanda ang pelikula.

“Ipapalabas namin and it’s really depend on the public if they want it or not. Whether it’s box-office or not, ginawa ko ang pelikula, masaya ko.”

Sabi pa niya, adaptation man ng hit Korean movie ang “Miracle in Cell No. 7”, Pinoy na Pinoy pa rin ito.

“The movie is more than death penalty. The movie is about love. On Christmas day, you have movie like this, friends, family.”

At his age, 50, sabi pa ni Aga, “miracle” na raw na nakakagawa pa rin siya ng mga character nga naman tulad ng ginagampanan niya ngayon sa “MIC7” na isang ama na mentally-ill na pinagbintangang pumatay sa isang batang babae, nakulong at nasentesiyahan pa ng death penalty.

Alden, Julie Anne magkasama sa bagong show

Naka-focus lang daw si Julie Anne San Jose ngayon sa career niya. In fairness naman nga, ang bongga ng mga nangyayari sa career niya ngayon sa Kapuso.

Kaya hindi nito in-entertain ang tanong namin na ang sabi namin, pinapatanong ng fans niya na diumano’y may nanliligaw sa kanya na taga-network din.

“I’m really focused with my career right now,” nakangiting sabi niya.

Wala rin daw siyang kailangang sagutin lalo na at talagang naka-focus lang siya sa career niya. Although, hindi naman itinanggi ni Julie Anne na after her break-up with Benjamin Alves, ready na rin siya to enter a new relationship. ‘Yun nga lang, hindi raw niya talaga ito prayoridad.

“I have a lot with my priorities muna. Hindi ko lang talaga siya priority at marami pa akong gustong gawin.”

Bukod sa pagiging main host ng Kapuso weekend singing contest show, matunog na rin ang balita na sila ni Alden Richards ang maghe-headline sa bagong Sunday noontime show ng network na magsisimula sa unang Linggo ng January.

Though, sabi ni Julie, wala pa raw siyang masasagot dahil hindi pa sila kinakausap tungkol dito.

“Why not, ako naman po, I’m really open to work with anyone. Wala naman pong problema.”

Heto at ni-launch din si Julie for a new endorsement. Siya ang female ambassador ng Lee Jeans. At hindi nga raw niya naisip since bata pa lang daw siya, isa na ito sa brand na sinusuot niya being in the fashion industry for 130 years, heto’t magiging ambassador pala siya nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy