Una sa Balita

Aga nakiusap sa ABS-CBN na ‘wag patulan ang Trillanes isyu

0 12,322

Gaano katotoo ang tsismis na mismong si Aga Muhlach umano ang nag-request sa management ng ABS-CBN na “if” possible ay huwag nang patulan pa ang nag-viral nilang (with Bea Alonzo sa GGV show) un-aired video regarding their comment on Sen. Antonio Trillanes?

Dahil nga sa matinding bashing at cursing na inabot ng aktor, sinasabing naapektuhan tuloy ang performance sa box-office ng movie nila ni Bea. Marami pa rin ang nag-aaway-away sa isyu at kung saan-saan na nakarating ang usapan.

Well, nu’ng minsan naman akong umupo sa Showbuzz program nina Papa Jobert Sucaldito sa DZMM at merong nagtanong sa amin, nakapag-opinion naman kami on the issue. Hindi man kami magkapareho ni Papa Jobz, it ended well dahil kumbaga sa beauty contest, walang maling sagot sa tanong.

At may mga nagtatanong kung bakit hindi na ito kineri ng ibang show ng ABS-CBN, eh dahil baka naman kasi hindi na kapatol-patol pang palakihin ang isyu kaya hindi na ito kineri ng ibang platforms ng network or hindi na nag-ere ng side nina Aga, dahil again, in the first place, the said portion was never aired.

At kung nagkalat man ang kopya dahil maraming magagaling­ mangu­ha, hindi na rin marahil dapat mag-explain pa sina Aga at Bea dahil “opinion” nila ang hiningi at walang rason para ipaliwanag pa noh!

 

Jake hindi magsasawang maghubad sa harap ng kamera

Ipinagmamalaki ni Jake Cuenca na kahit siya ang most senior sa mga bagong inilulunsad na “barako” ng ABS-CBN, proud nitong sinabi na “my pleasure to be their kuya, if not their mentor.”

At dahil may magkahalong pressure at mataas na expectation sa kanya ang lahat, kailangan daw niyang mag-step up. Kaya naman kahit daw ang pag-pose ng nude at mga sexy pictorials ay never niyang pagsasawaan o hihindian dahil aniya, “this is also my way of promoting myself. I have my own brand and I’m proud of what I have.”

At 30 something, aminado ang hunk actor na hindi na siya bumabata and yet, hangad daw niyang manatiling mukhang bata at sariwa para sa mas maraming nag-iilusyon pa hahahahaha!

Kaloka siya ‘di ba, pero nakakabilib!