Una sa Balita

Aga kinilig sa Korean actor

0 294

Tumagos sa puso ng maraming fan ang simpleng video message at paanyaya mula sa original actor ng “Miracle in Cell No. 7” sa Korea na si Ryu Seung Ryong. Si Ryu ang lead actor sa naturang pelikula, o gumanap bilang Yong-Goo na ama ni Kal So-Won na ginampanan naman ng batang aktres na si Ye-Sung.

Ang “Miracle in Cell No. 7” ay isang pelikula tungkol sa mag-ama na nawalay dahil sa pagkakakulong ng ama na si Yong Goo na siyang may diperensya.

Marami ang naantig at naiyak sa istorya ng pelikulang iyon, kaya naman looking forward ang maraming Pilipino sa magiging remake nito na pagbibidahan naman ni Aga Muhlach at Xia Vigor.

“Kumusta? I’m actor Ryu Seung-Ryong, I heard that the movie ‘Miracle in Cell No. 7’ will be shown in the Philippines as a remake. It’s personally an honor for me to have this movie, in which I joined the cast, reimagined in the Philippines. Like how it gave great laughter and affection to the Korean viewers. We hope this movie will bring much comfort and laughter to the Philippine viewers. I will also be cheering for it from afar, from Korea. Salamat!” pahayag ni Ryu (translated from Korean).

Dahil diyan, mas lalong na-excite ang mga fan sa remake ng naturang pelikula na ipapalabas bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival sa December 25 ngayong taon.

Tuwang-tuwa naman at kinilig si Aga na siyang gaganap nga sa role ni Ryu. Agad ni-repost sa kanyang IG ang pagbating natanggap sa Korean actor kalakip ang caption na “Really appreciate the support @ryuseungryong. See you soon! Thank you!” (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy