Una sa Balita

Aga, feeling ‘NAPAHIYA’ sa mensahe nina Dingdong, Cristine

By
0 30

Flattered na flattered si Aga Muhlach nang marinig nito ang mga papuri sa kanya ng co-stars niya sa Seven Sundays.

Para kay Dingdong Dantes, napakasuwerte niya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na gumanap na nakababatang kapatid ni Aga sa bagong pelikula ng Star Cinema.

Public knowledge na fan ni Aga si Dingdong at nakumbinsi ito na umarte dahil sa mga pelikula ng aktor na iniidolo niya.

“Now, I’m more a fan of him dahil sa kanyang pagkatao. Mas fan ako ng kanyang persona more than him being an actor dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya at nabigyan ako ng pagkakataon na maging younger brother to him,” ang sabi ni Dingdong.

“Tama si Dingdong na mas nakilala namin siya (Aga) dahil sa project na’to. Mas lalo akong humanga dahil hindi mo mararamdaman ‘yung Aga Muhlach, kung gaano kalaki ‘yung pangalan niya.

“Hindi mo mararamdaman kapag kasama mo siya dahil hindi niya ‘yon ipinaramdam sa amin. Napakabait, napaka-humble, “ ang papuri naman ni Cristine Reyes kay Aga na may paliwanag tungkol sa humble attitude niya.

“Honestly, nakaka-embarrass din, it’s flattering at the same time, nakaka-embarrass when you’re being praised in front of maraming tao.

“But you know, I’ll take it, thank you. Maraming salamat. Ang sa akin naman, with my experience, and even with my co-actors, sa lahat mula noon, parang wala akong inaway, wala akong kinainggitan.

“Naramdaman ko rin dati… ang mga artistang nang-api sa akin, na sinabi ko, noong bago pa lang ako, may nakita akong pag bagong sikat, makikita mo ‘yung attitude nila na parang dadaaanan ka. Ba’t ganoon?

“Basta nagdiin sa utak ko, sinabi ko kapag nakapuwesto ako ng maganda, ‘yan ang hindi ko gagawin habambuhay.

So lahat ng nakasama ko na bago, kahit matandang artista, ‘yung paggalang ko bilang tao, hindi ko inaalis,” ang pagbabalik-tanaw ni Aga na hindi pinangalanan ang mga artista na tinutukoy niya dahil ayon sa kanya, “wala na sila.”

***

Ipinagtapat ni Aga na ang pagiging overweight ang dahilan kaya tinanggap niya ang Seven Sundays dahil hindi siya obligado na magpapayat.

“I struggle for how many years losing weight but because nagpahinga talaga ako. Every year, may mag mag-o-offer sa akin ng love story, parang hindi ko kaya.

Parang hindi ako puwedeng lumabas na leading man, tapos, ganito ang itsura ko dahil hindi ko talaga gagawin ‘yon.

“And when this film was offered sa akin, sinabi  na you didn’t have to lose weight. You’re okey but if you wanna diet along the way, go ahead but the character doesn’t ask for that.

Of course, nag-start naman ako na magdiyeta-diyeta rin pero kasi ako nagda-diet talaga ako kapag pushed against the wall na ako.

“If you really watch the movie, makikita n’yo talaga, eksakto, puting buhok, malaking tiyan, ganoon. Parang napag-iwanan talaga,” ang rebelasyon ni Aga.