Una sa Balita

Aga ‘di nagpasaway sa ‘Miracle’ shooting

0 285

Nagsimula nang mag-shoot si Aga Muhlach para sa pagbibidahan niyang Metro Manila Film Festival official entry na “Miracle In Cell No. 7”.

Philippine remake ito ng 2013 Korean film na pinagbidahan nila Ryu Seung-ryong, Kal-So-won at Park Shin-hye. May alternate title ito na “A Gift From Room 7”.

Sa Facebook page ng Kapamilya Online World, pinost nila ang behind-the-scenes look ni Aga sa loob ng courthouse at sa bilangguan.

Gaganap ang aktor bilang single father na naakusahan na nanggahasa ng isang batang babae.

“LOOK: Sneak peek at Aga Muhlach’s character in ‘Miracle in Cell no. 7.’

“Actor Aga Muhlach is set to return on the big screen as he will be starring in the remake of the Korean hit movie ‘Miracle in Cell no. 7’ where he will be playing the lead role together with Xia Vigor and Bela Padilla.

“The Filipino remake of ‘Miracle in Cell no. 7’ is an official entry in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF).”

Anyway, kahit daw maaga ang shooting at galing pa ng Alabang si Aga ay hindi ito nali-late, ha! To think na sa Antipolo raw ang shooting nila. Sobrang excited nga raw kasi ito sa movie nila.

Pang-limang pelikula ito ni Aga na ginawa niya para sa Metro Manila Film Festival. Ang mga pelikulang ito ay “Irosin: Pagputol Ng Araw, Babaha Ng Dugo” (1989); “Bakit Labis Kitang Mahal” (1992); “May Minamahal” (1993) at “RPG Metanoia” (2010). (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy