Una sa Balita

Aga, Bea premiere night dinumog ng mga big star

Gerald, Zanjoe todo suporta kay Bea

By
0 479

Grabe sa dami ng mga kasamahan at kaibigan sa showbiz nina Aga Muhlach at Bea Alonzo ang nagbigay-suporta sa kanila sa premiere night ng kanilang first movie together na First Love na idinirehe ni Paul Soriano.

Una namin namataan si Coco Martin na idol pala si Aga kasama ang manager nito na si Biboy Arboleda at Dreamscape Entertainment big boss, Deo Endrinal.

Si Papang Lee O’Brien ni Mamang Pokwang na gumanap bilang doktor sa pelikula ay present kasama si Maemae na anak ng komedyana. May trabaho raw si Pokie kaya hindi nakarating.

Maging si Patricia Javier at asawa nitong afam din na may eksena rin sa movie ay nanood din.

Ang mga Kapamilya directors na sina Rory Quintos, Don Cuaresma at Ruel Bayani na unit head na rin ay watch din.
Dumating din si Raymond Gutierrez kasabay si Claudine Barretto na ang slim pa rin talaga at ang ganda ng aura na katabi sa upuan ang Star Magic heads ba sina Mariole Alberto at Johnny Manahan. Richard Gutierrez came as well with his beloved partner Sarah Lahbati.

Suport din ang isa sa madalas na mapanood sa Star Cinema movies na si Janus del Prado.

Bukod sa girlfriend at parents ni Albie Casiño, ang mga kasamahan n’ya sa teleseryeng Los Bastardos na sina Jake Cuenca at Diego Loyzaga ay nakita rin namin.

Siyempre, full support din ang pamil­ya ni Paul at asawang si Toni Gonza­ga, team nito sa Ten17 productions.
Hindi rin mawawala to support ang napakagandang misis ni Aga na si Charlene na ka-chikahan si Toni bago mag-umpisa ang screening na parehong sporting a short hairdo. Of course, ang kambal na anak nila ni Aga na sina Andres at Atasha ay nando’n din, pati si Luigi at asawa nito.

Ang mga bossing ng Star Cinema na sina Malou Santos, Enrico Santos at Olive Lamasan were there also, ma­ging ang TV executives na sina Lauren Dyogi at Linggit Tan ay dumalo rin. Gano’n din ang magkakapatid na sina Veronique Corpus, at Vincent del Rosario ng Viva Films na co-producer ay nagsidatingan din.

Pero sadyang napakaganda talaga ni Bea dahil dumating ang kanyang ex-boyfriend na bida ng Playhouse na si Zanjoe Marudo at ang matagal-tagal na rin n’yang boyfriend na si Gerald Anderson na parehong napaka-gracious at accommodating sa mga nagpapa-picture at nagpi-picture sa kanila sa cast party, kahit na malambing na humahawak pa sa braso ng aktor ang aktres sa harap namin na nakakatuwang pagmasdan habang nakikipag-usap at kinukunan ng litrato.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy