Una sa Balita

Aga abot-tenga ang ngiti kahit sawi

0 553

Limang beses na ngang napanood ni Charlene Gonzales ang pelikula ng asawa niyang si Aga Muhlach, ang “Miracle In Cell No. 7”. Ito na yata ang pinakamaraming beses na paulit-ulit niyang napanood na isang local film.

Sey ni Charlene, hindi nagbabago ang paghanga niya sa pelikula at sa husay ng kanyang asawa. Hindi rin daw niya inaaasahang magiging smash hit ang pelikula na nangyayari ngayon.

Abot tenga naman ang mga ngiti ni Aga dahil sa tagumpay ng kanyang movie. Na kahit hindi siya nanalong best actor, masayang-masaya siya dahil sa tagumpay ng movie nila sa takilya.

Matapos ang anim na taon ay ngayon siya ulit nakabalik sa MMFF at tumatabo pa ang kanyang movie.

Sa 2020 ay gagawa raw ulit siya ng isang pelikula. Pipiliin pa rin daw niya ang mga project na gagawin niya.

Kasama nina Aga at Charlene ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres, na ayaw munang pumasok sa showbiz at nangakong tatapusin ang kanilang pag-aaral.

Heartthrob material ang kaguwapuhan ni Andres, samantalan pang-beauty queen naman ang ganda ni Atasha. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More