Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

After 23 taon: Michelle Aldana balik showbiz

0 99

Balik showbiz ang ‘90s beauty queen-actress na si Michelle Aldana. Gaganap si Michelle bilang mother ni Gabbi Garcia sa GTV series na Love You Stranger.

Nanalo si Michelle bilang Miss Asia Pacific 1993. Kinontrata ng Viva Films si Michelle at lumabas ito sa mga pelikulang Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko, Segurista, Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, Hindi Pa Tapos Ang Laban, Hawak Ko Buhay Mo, Ang Tipo Kong Lalake, Marami Ka Pang Kakaining Bigas, Mauna Ka Susunod Ako, Wala Nang Iiibigin Pang Iba at Extranghero.

SM food to go Banner Ad

Iniwan ni Michelle ang showbiz noong 1998 at tumira sa Germany. Kinasal siya kina Christoph Heinermann (2001) at Edward Burke (2014). Sa South Africa na siya naka-base ngayon.

Na-excite raw si Michelle na muling umarte after 23 years. Iba raw kasi ‘yung nakakapagsalita siya ulit in Tagalog. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.