Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Afril, Gilas Women binutata Indonesia

0 89

Rumatsada sa kanilang opening game sa 31st Southeast Asian Games sina Afril Bernardino at ang Philippine national women’s basketball team matapos lugmukin ang kampo ng Indonesia, 93-77, sa women’s basketball event, Lunes, sa Thanh Tri Gymnasium sa Vietnam.

Sinimulan ng Gilas Pilipinas women’s team ang kanilang kampanya para sa pagdepensa ng titulo sa panalo sa pangunguna ni Bernardino na kumana ng 16 points, siyam na rebounds, apat na steals at isang assist, katuwang si Janine Pontejos na nagtala ng 15 markers, tigalawang rebounds at steals at isang assist habang may tig-11 puntos sina Camille Clarin at Gabi Bade.

Matapos ang matinding bakbakan sa first half, umariba sa ikatlong yugto ang Gilas women kung saan lumamang ang national team ng 11-puntos, 60-49 makaraang makapuntos si Clare Castro. Umakyat pa sa 14 points ang lamang ng Gilas women 68-54, sanhuling 50 segundo ng third quarter.

Sa fourth quarter, nanatiling lamang ang national squad 79-62 nang maka-iskor si Angel Surada.

Sunod na makakatapat ng Gilas women sa biennial meet ang Thailand, Miyerkoles. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.