Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

African swine fever tumama sa 6 probinsya

0 184

Kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang bagong outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na lalawigan sa bansa.

Kabilang sa anim na lalawigang tinamaan ng ASF ay Albay, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Quirino.

Sabi pa ni Secretary Dar sa Laging Handa Briefing kahapon na nasa siyam na rehiyon ang apektado ng ASF outbreak.

“Ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag-iimplement ng elevated quarantine measures,” aniya pa.

Nagbibigay aniya ang gobyerno ng tig-P5,000 sa kada baboy na kailangang patayin ng mga nagmamay-aring hog raiser.

Sa ngayon, ayon kay Dar, 300K baboy na ang pinatay para hindi na lalong kumalat ang ASF.(RC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.