Una sa Balita

African import nambarako sa MCBL

By
0 9

Nagpasabog ng 23 points si African reinforcement Soulmane Chabi Yo tampok ang game-winning jumper para itulak ang R Lapid’s sa manipis na 77-76 panalo kontra L & J Spa sa Marikina City Basketball League sa Marikina Sports Center.

Nagbaba pa ng 16 rebounds ang pambato ng Colegio de San Lorenzo na si Chabi Yo para isampa ang R Lapid’s sa win-column ng torneo kasama ang NLEX-SCTEX.

Nagdagdag ng tig-12 points sina Francis Camacho at Argel Mendoza para sa R Lapid’s.

Karamihan sa 52 points ng R Lapid’s ay galing sa shaded area dahil sa pambabarako ni Chabi Yo at nakabalik ang team mula 29-20 deficit sa first quarter.

Pinangunahan ng 22 markers ni ex-pro James Martinez ang L & J.