Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AFP tatapatan estruktura ng China sa WPS

0 72

Plano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng mga estruktura sa West Philippine Sea (WPS) upang mabawi ng bansa ang kanilang sovereignty sa pinag-aawayang lugar na ngayon ay puno ng Chinese vessels.

Ayon kay AFP chief of staff General Cirilito Sobejana Jr., ang paglalagay ng estruktura sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ay isang estratehiya para mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa pinag-aawayang WPS, lalo na ang pagprotekta ng mga mangingisda natin na itinataboy ng mga Chinese vessel.

“We are also entertaining the idea na magtatayo ng structures sa naturang lugar katulad ng ginagawa rin ng China kasi ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtatayo diyan noong araw kasi may usapan na wala dapat magpatayo,” pahayag ni Sobejana sa mga reporter sa naganap na virual press briefing kahapon.

“Subalit ‘yon ay nilabag ng China kaya dapat magpatayo na tayo starting now,” dagdag ni Sobejana.

Napag-alaman na sinimulang bumuo ng mga estruktura sa WPS ng China matapos ang pagputok ng Bulkang Pinatubo at ang pagpapatalsik ng base militar ng United States sa Subic nitong taong 1990, nagdagdag pa ng estruktura ang China nito pang 2010.

Samantala ang Pilipinas naman ay bumuo lang ng estruktura sa Pagasa Island at ang lumang barko sa Ayungin Shoal.

Inamin din ni Sobejana na limitado lang ang paggigiit ng AFP sa sovereignty ng Pilipinas sa WPS subalit nilinaw nito na sa kabila ng limitasyon ay ginagawa nila ang lahat ng kaya nilang gawin para maprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda at masiguro na patuloy silang makakapangisda na kanilang kabuhayan. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.