Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AFP pension fund sa Bayanihan 3 binisto ng Senado

0 93

Ipinagtaka ni Senate President Tito Sotto ang umano’y nakalagay na pondo para sa pension ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bersiyon ng Kongreso ng Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3.

Sa isang panayam sa DWIZ kahapon ay binanggit ni Sotto na iilan lamang ang pinagkaiba sa bersiyon ng Senado at ng Kamara ngunit napansin niyang may nakasingit sa pondo ng Bayanihan 3 na kuwestiyonable.

“Meron lang isa o dalawang pagkakaiba pero maganda itong version ng Senate, maganda rin naman sa House kaya lang meron sila doon sore thumb, bakit nakapasok pensiyon ng AFP?” pahayag ni Sotto.

Gayunpaman, sinabi ng Senate President na susuriin nila ang naturang pondo at ilalaan ang nasabing pension sa ibang bagay sa oras na magsimula na ang Bicameral conference ng naturang panukalang batas.

“Sa senate version wala kaya okay lang makikita natin ‘yan, may panahon naman para magbicam agad,” saad ni Sotto.

Ayon pa kay Sotto, bandang Setyembre mag-uumpisa ang Senado sa pagdinig para sa Bayanihan 3. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.