Una sa Balita

AFP nagpasalamat sa tulong ng Amerika para sa Marawi City

By
0 2,581

TAUS-PUSONG pasasalamat ang ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Rey Leo­nardo Guerrero para sa pamahalaan ng Amerika dahil sa tulong at suporta nito sa gobyerno ng bansa sa limang buwang giyera sa Marawi City.

Ang pasasalamat at ipinaabot ni Guerrero nang makipagpulong ito kay US Air Force Secretary Heather Ann Wilson sa Camp Agunaldo.

Tinukoy ni Guerrero ang tinatawag na capability at defense operation na ibinigay ng Amerika sa limang buwang kampanya sa Marawi City.

Sa nasabing pulong na dinaluhan ng matataas na opisyal ng Department of National Defense, AFP at ng Philippine Air Force, nagpaabot ng pasasalamat si Guerrero sa tulong ng US military sa pag-deve­lop ng kapabilidad ng PAF.

Samantala, sa panig naman ni Wilson, nagpahayag ito ng bilate­ral training na itatakda sa susunod na buwan.