Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AFP nag-pramis! Mga NPA ubusin bago mag-2022

0 138

Dahil sa patuloy na paghina na puwersa ng New People’s Army (NPA) bunsod ng walang tigil na operasyon ng gobyerno ay ipinag-utos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang tuluyang pagbuwag sa komunistang grupo ngayong taon.

Ayon kay Gapay, ipinag-utos na niya sa lahat ng military commanders ang pagbuwag sa lahat ng mga natitirang guerilla fronts sa bansa hanggang katapusan ng 2021 o bago ang pagbaba sa poder ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“All remaining communist guerrilla fronts shall be simultaneously addressed and defeated toward the end of 2021. I noticed a lot of these NPA units have been weakened so this is our target for all the Unified Commands,” pahayag ni Gapay.

Ipinag-utos na rin ni Gapay sa lahat ng military commanders na maglagay ng mga priority targets kada quarters gayundin kung ano ang kanilang mga dapat gawin upang malaman ang mga focus areas ng mga natitirang guirilla fronts.

Mayroon na lamang umanong 54 guerilla fronts at 9 iba pang regional armed groups ang natitira pero malapit na ruing mabuwag ang mga ito matapos ang matagumpay na pagbuwag sa 22 communist fighting propaganda unit dahil sa ginagawang focus military operation ayon pa kay Gapay.

Bukod sa NPA ay nakakaranas na rin ng paghina ng kanilang grupo ang Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil sa walang tigil na operasyon ng militar laban sa kanila.(Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.