Una sa Balita

AFP mahina kung nakasandal sa imported na baril, bala

By
0 1,241

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat palakasin ng bansa ang depensa nito sa pamamagitan ng pagiging self-sufficient sa paggawa ng baril, bala at iba pang kagamitang pandigma.

Base sa impormasyon, nasa 20 milyong round ng mga bala ang inaangkat ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa tulad ng Brazil, South Korea at Spain na katumbas ng 30% ng total ammunition para sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) kada taon.

Ang 70% naman ay ginagawa sa bansa pero iginiit ng Department of National Defense (DND) na ang mga raw material tulad ng copper, nickel at brass ay inaangkat pa rin sa ibang bansa.

Nagbabala si Gatcha­lian na hindi magiging matatag ang Pilipinas sa usapin ng pagdepensa kung patuloy tayong mag-i-import ng mga pangangailangan ng AFP.

Sa kabilang dako, aminado naman ang senador na ang panukalang pagkakaroon ng Special Defense Economic Zone (SpeDEZ) at pagtatatag ng Special Defense Economic Zone Authority (SpeDEZA) para sa AFP Modernization Law ay nangangailangan pa ng masusing pag-aaral.

Tiniyak naman ni Gatchalian na ipagpapa­tuloy nila ang suportang kailangan ng AFP para sa modernisasyon.

“We are in support of our soldiers and troops on the ground. We are all here to find ways to make sure that our troops are being given the necessary equipment to enable them to protect and bring stability to our country. All of these are paperwork, but in the end, the lives of our soldiers in line of duty are the most important,” pahayag ni Gatchalian.