Una sa Balita

AFP handa sa pag-atake ng NPA

By
0 265

Handa ang tropa ng militar sa bantang malawakang gagawing pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa iba’t ibang lugar dahil sa kanilang desperadong pagkilos dahil sa desisyon ng gobyerno na permanente ng itigil ang usaping pangkapayapaan sa kanilang mga lider.

“Yes, our troops are already given instructions and we are actually in the offensive in running after their armed group and their fronts organizations,” pahayag kahapon ni Armed Forces of Philippines (AFP) public affairs office chief Col. Noel Detoyato.

Subalit sa kabila ng banta ng NPA sinabi pa ni Detoyato na handa silang tanggapin ang mga NPA na gustong sumuko at bumalik na sa kanilang pamilya upang bumalik sa tahimik na pamumuhay.

“While we are on it, the offer for them to abandon the armed struggle is always given emphasis,” dagdag ng opisyal.
May mga nakalaang benepisyo na ipinagkakaloob ng Task Force Balik Loob at counterpart nito mula sa Local Government Units (LGU) ang naghihintay sa mga miyembro ng NPA na nais sumuko.

Bukod dito mayroon ding naghihintay na kabuhayan ang mga susukong NPA gayundin ang mga miyembro ng militia ng bayan upang mas mapadali ang kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.

Base sa Executive Order number 70, inilunsad ang nasabing Task Force upang matapos na ang armed conflict sa mga lokal na communist group.

“EO 70 or the whole of government and whole of nation approach will address the void that will be left in the abrogation of the supposed to be ‘peace talks’. The local and international sources of funds fueling the armed rebellion and the groups fron­ting for them are now being addressed. With this, we are confident that this 50-year-old (Communist Party of the Philippines founder Jose Maria ‘Joma’) Sison-induced insurgency is nearing its irreversible downward trend going towards irrelevance,” pahayag ni Detoyato.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy