Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AFP, di trip komento ni Lorenzana sa plane crash

0 116

IPINAGKIBIT-BALIKAT na lang muna ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng human error ang dahilan ng pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu.

Ayon sa AFP, posibleng ito lamang ang naging impresyon o inisyal na naisip ng kalihim base sa nabigay na impormasyon sa kanya.

Noong linggo, magla-landing na sana ang C-130 aircraft sa Barangay Bangkal, Patikul sa Sulu nang bumulusok ito alas-11:30 ng umaga na ikinasawi ng 53 katao kabilang ang apat na sibilyan.

“With all due respect to the good secretary, I think that is the impression that he has with respect to the data or information that is available to him,” sinabi ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo.

Naunang sinabi ni Lorenzana na posibleng kombinasyon ng human error at weather conditions kaya nangyari ang plane crash. Posibleng nagkaroon din umano ng lapses ang piloto.

“But I know the secretary would concede that the final and conclusive determination as regards to what really happened is on the technical information that we will get,” sinabi ni Arevalo.

Ipinag-utos na ni Lorenzana ang malawakang imbestigasyon sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.