Una sa Balita

Affidavit of Paternity

By
0 107

Dear Atty. Claire,

Good morning po, magtatanong lamang po ako kung anong proseso ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng birth certificate. Kasal po ang aking mga magulang ngunit nagkahiwalay po sila nu’ng ako’y anim na buwan pa lamang sa tiyan ng aking nanay.

Nagpunta po ako ng munisipyo, ang sabi po sa’kin sa munisip­yo mag-file ako ng affidavit for paternity, nagbayad ako P1,500. Ngunit dalawang taon akong naghintay, ang sabi sa’kin hindi daw naaprubahan. Sana matulungan niyo po ako sa aking problema.
Maraming salamat. – Jean
Ms. Jean,

Kung kasal naman ang nanay at tatay mo ay hindi mo kakailanganin ang ­Affidavit of Paternity dahil ikaw ay pinanganak nang sila ay kasal na kaya’t tinuturing kang isang lehitimong anak ayon sa ating batas.

Ang tanging gagawin mo ay puntahan ang ospital or midwife na siyang nag-asiste sa nanay mo na manganak. Dapat ay mayroon silang record. Kung wala ay kakaila­ngin mong magproseso ng late registration ng iyong birth certificate.

Puntahan ang ­Local Civil Registrar’s Office (LCRO) kung saan ka pinanganak pati na ang Philippine Statistics Authority (dating NSO) at humingi ng certificate na ikaw ay walang record ng kapanganakan.

Kapag ikaw ay may kopya na ay mag-file ka ng late registration ng iyong birth at isama sa application ang mga dokumentong hinihingi tulad ng baptismal records o ibang dokumento ng inyong pagkakakilanlan. Ang listahan ng dokumento na dapat na isumite ay makukuha sa LCRO. Huwag kalimutan na isumite rin ang marriage certificate ng nanay at tatay mo para mailagay na ikaw ay isang legitimate na anak.

Kung sila naman ay ikinasal matapos na ikaw ay isilang ay maaari kang mag-file ng Application for Legitimation at ipakita lamang ang Marriage ­Certificate nila.

***

Dear Atty. Claire,

Tanong ko lang po, ano pong parusa sa ejectment case? May kaso po kasi kami na gano’n at hindi namin alam ang parusa kasi wala kami pambayad, Atty. Hoping for a reply.
Thank you po. – ­Maritoni

Ms. Maritoni,

Alam mo sa sarili mo na mali na ang ginagawa ninyo dahil hindi makatarungan na magpatuloy na manirahan sa bahay ng iba nang hindi nagbabayad ng kaukulang renta.

Tama lamang na magsampa ng kasong ejectment laban sa inyo at ang magiging desisyon rito ay paalisin kayo sa utos ng korte at pagbayarin kayo ng utang sa renta at attorney’s fees na nagastos ng may-ari ng ari-arian para mapaalis kayo nang legal.

Ang magagawa mo lamang ay makipag-usap sa may-ari at mangako na aalis kayo sa inuupahan at kaunting palugit lamang ang kailangan. Huwag na sana kayo makipaglaban pa dahil alam ninyo na wala na kayong karapatang manatili sa ari-arian.

May mga pagkakataon kasi na may mga kababa­yan tayo na nanlalamang na lamang o taking advantage sa sitwasyon at tumitira sa bahay nang hindi nagbabayad ng anumang renta. Sana ay maisip nila na nakakaperwesyo sila sa may-ari kaya’t ang magandang magawa lamang ay sumang-ayon na umalis na lamang upang ang parehong partido ay hindi na maperwisyo at hindi na umabot sa ­demandahan.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa ­attorneyclaire@gmail.com.