Una sa Balita

Aerial survey sa pinsala ng baha sa Capiz

By
0 1,569

Bunsod ng ma­tinding hagupit ng malakas na pag-ulan, nagsagawa ng aerial survey ang dalawang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) para makita ang na­ging pinsala sa lalawigan ng Capiz.

Kabilang sa mga lugar na dinaanan ng chopper kahapon ng umaga ay ang 12 ba­yan sa first at second distrit ng Capiz na labis na naapektuhan ng pagbaha.

Kasama ng PAF ang Office of Civil Defense-Region 6, gayundin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa ngayon ay bu­maba na ang lebel ng tubig-baha sa mga apektadong barangay matapos hindi na umulan nang ilang araw.

Unti-unti na ring nagsisibalikan sa kanilang bahay ang mga evacuees kung saan umaabot na lamang sa 1,080 na pamilya ang nananatili sa evacuation centers.

Kung maaalala, isinailalim na ng Panit-an local government unit ang kanilang ba­yan sa state of calami­ty dahil sa pinsalang dulot ng baha na dala ng bagyong Agaton.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy