Una sa Balita

Aegis Juris brod sa cover-up kay Atio pinalusot – Ping

By
0 1,910

Labis ang pagkadismaya ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa naging reso­lusyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay kay Horacio ‘Atio’ Castillo III dahil hindi nakasama sa kinasuhan ang mga taong sangkot sa cover-up ng pagkamatay sa hazing ng law student ng University of Santo Tomas.

Tinukoy ni Lacson ang tangkang pagtatakip ng ibang miyembro ng Aegis Juris fraternity sa naganap na hazing na nabu­king sa palitan ng kanilang mga mensahe sa group chat nila sa Facebook.

“Basing it on the evidence gathered and presented during the public hearings conducted by the Senate on the Atio hazing case, the DOJ pa­nel may have overlooked or disregarded the cover-up angle committed by the other frat members not included in the indictment,” diin ni Lacson.

Binanggit pa ng mambabatas na batay sa kanilang mga hearing sa Senado, ang mga ebidensiyang iprinisinta sa kanila ay magpapatunay na may ‘probable cause’ upang kasuhan ang iba pang sangkot bilang accessories sa krimen.

“The pieces of evidence like the authenticated contents of the group chat participated in by clearly identified members and officers, the video footages and other documents should have been enough for the DOJ to find probable cause to also charge them for being accessories after the fact at the very least,” paliwanag ng senador.

Nitong Huwebes ay inihain ng DOJ sa Manila Regional Trial Court ang kasong kriminal laban sa sampung opisyal at miyembro ng Aegis Juris dahil sa Anti-Hazing Law.

Sampung miyembro naman ng frat ang hindi kinasuhan ng DOJ dahil sa kawalan ng probable cause.