Una sa Balita

Adult Education Program magpapalakas ng trabaho sa bansa

By
0 614

Inilunsad po ng Commission on Higher Education o CHED ang Adult Education Program na naglalayong makapagbigay ng training sa mga adult learning professional sa bansa.

Suportado po natin ang programa dahil batid po natin kung gaano kahalagang makasabay ang manggagawang Pilipino sa mabilis na pagbabago ng mga trabaho bunsod ng patuloy na pag-unlad ng agham at teknolohiya.

Halimbawa, ang mga industriyang gumagamit ng computer, robotics o artificial intelligence sa paggawa ng mga produkto at pagseserbisyo sa kanilang mga customer ay nangangailangan po ng manggagawang may kasanayan sa ma­kabagong teknolohiya.

Kitang-kita po ngayon ang tinatawag na ‘Industry 4.0’ kaya’t madaling maunawaan kung bakit mahirap makapasok sa trabaho ang mga manggagawang dumaan sa mga lumang kurikulum o training program.

Ito po ang dahilan kung bakit nagbubukas ng pinto ang mga unibersidad para sa mga adult learning professional para mabigyan din sila ng mga alternative learning o mga non-degree program na mag-aangat sa kanilang kasanayan.

Sa panahon ngayon, napakahalaga po ng ‘lifelong learning’ para tumaas ang employabi­lity ng mga Pilipino o maging produktibong miyembro ng ating lipunan.

Inaasahan po natin na ang Adult Education Program ng CHED ay makakarating sa lahat lalo na po sa mga walang trabaho at kasalukuyang mga manggagawa lalo pa’t binibigyan ng CHED ng kalayaan ang ating mga learning institution na makapag-innovate ng mga programa.

Ang ganitong programa po ang magbibigay hugis sa itinaguyod nating batas, ang Phili­ppine Qualifications Framework Law o Republic Act 10968.

Layunin po ng PQF Law na maiangat ang karera o trabaho ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkilala sa lahat ng mga kaalamang nakuha nila sa loob at labas ng paaralan tulad ng mga karanasan sa trabaho.

Makakatulong rin po ang pagsasabatas ng isa pa nating panukala, ang Tulong-Trabaho Act, na ngayon ay naghihintay na lamang po ng lagda ng Pangulo.

Kapag naging batas, magtatakda po ng pondo o Tulong-Trabaho Fund para sa training ng mga unemployed at mga exis­ting worker at sakop din ang mga adult learning professional.

Kailangang-kailangan po ang patuloy na pagpapaunlad ng kakayahan para lumakas ang trabaho sa bansa at hindi mapag-iwanan ang ating mga mamamayan.

Job Fair Schedule
12th Bulawan Festival Mega Job Fair
Capitol Grounds, Cabidianan
Nabunturan, Compostela Valley
March 4
Metro Naga PESO Job Fair
Mariners Polytechnic Colleges
Naga City, Camarines Sur
March 5
CIC Job Fair
College of the Immaculate Concepcion Campus, Cabanatuan City
March 6
Bicol University Annual Job Fair
College of Engineering Gym
March 7
Alaminos City Job Fair
Don Leopoldo Sison, Convention Center
Poblacion, Alaminos City, Pangasinan
March 8
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy