Una sa Balita

ADU-PTA may bagong mga halal na opisyal

0 330

PORMAL ng isinalin ni NUSECO National President, Usec at Outgoing PTA Pres. Atty. Lynn Danao-­Moreno ang susi ng Adamson University, Parent-Teacher ­Association ng Basic Education Department (ADU-PTA BED) sa Reporter ng Pilipino Star Ngayon (PSN) na si Mer Layson upang pamunuan bilang Pangulo ang organisasyon sa loob ng dalawang taon (2019-2021)

Nakapag-oath of office na rin si Layson at iba pang bagong opisyal kay Dr. Lorna Espeso, LPT na School Principal ng Senior High School Department ng unibersidad.

Bago ang seremonya ay misa muna ang ­isinagawa ni Fr. William Azul Encelan, CM habang si Mrs. ­Michelle Tonel LPT at Junior High School Acad ­Coordinator ang nagbigay ng opening remarks.

Ang iba pang ­nahalal ay sina Vice President si Lheslie Edeleon, Sec. Sheila Joy Kua, Tresurer Ella David, Auditor Robert Fajutnao, Directors at iba pang opisyal na sina Jesusa Fernandez, Ghie-Ann Eclevia, Jaime Ann Eugenio, Jhoanne Queri, Joy Paglinawan Nour, Lerma Lunar, ­Lorrie Liberato, Majo ­Alaurin Dioneda, Mateo ­Miranda, Thet de Juan, Violeta Dulatre, Cristina Babiano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More