Una sa Balita

Adrien Broner inasunto sa kamanyakan

By
0 449

DALAWANG linggo bago makaharap si Manny Pacquiao, tila hindi natatapos ang mga isyu na kinahaharap ngayon ni Adrien Broner.

Sa balitang inilabas ng TMZ Sports, may dalawang hearing na dadaluhan si Broner sa dalawang states para harapin ang magkahiwalay na sexual misconducts.

Noong Pebrero ng nakaraang taon ay inaresto si Broner sa Atlanta matapos nitong hipuan ang isang babae sa isang local shopping mall.

Makalipas ang apat na buwan, muli na namang naaresto si Broner sa Cleveland nang inakasuhan itong pumatong sa isang babae at pinilit nitong halikan sa isang nightclub.

May hinaharap ito ngayong multiple felony counts kabilang na ang gross sexual imposition at abduction.

Sa Lunes (Martes sa Pilipinas) nakatakda ang hearing ng dalawang kaso, dahil sabay ang dalawa hindi pa alam kung saan dadalo si Broner. ()