Una sa Balita

Adorador, L’Warriors kinapos sa L’Maroons

0 1,170

NAGING emosyonal ang huling laro ni Ma. Shaya Adorador ng Lady Warriors dahil nabigo silang makapasok sa Final four sa kaniyang huling taon sa UAAP.

Kahit pa nakuha ng University of the Phillipines ang kanilang ikatlong panalo kontra University of the East sa set na 3-1, kinapos pa rin itong makapasok sa playoffs kaya naman naging no bearing­ game ang kanilang laban kahapon sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.

Naging maganda ang umpisa ng Lady Warriors kaya nakuha nila ang ope­ning set ngunit hindi nito napanatili ang kanilang balanseng laro at agawin ng Lady Maroons ang manibela sa ikalawang set at umarangkada na ito at akuin ang panalo, 25-14, 22-25, 23-25,23-25.

Tumapos si Isa Molde na may 14 a­ttacks, 1 block, at 4 aces na sa kabuoan ay mayroong 19 points para pangunahan ang UP Lady Maroons.

Ang beterana ng Lady Warriors at graduating student na si Adorador ay nag-iwan ng 15 points para sa kanyang huling taon sa collegiate career.

Natapos ang Lady Maroons ngayong season na may 6-8 win-loss rekord habang ang Lady Warriors naman ay 2-12. (Christian Cortez)