Una sa Balita

Adorador ibabangon ang Lady Warriors

By
0 1,073

BAWAT laban ay importante na para sa University of the East upang makahabol pa sa inaasam ng lahat na final four habang ang kanilang katunggali na Ateneo de Manila University ay pipiliting lumapit din sa semifinals at kapitan ang segunda puwesto.

Sa pagpapatuloy ito ngayong araw ng 80th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball tournament second round elimination sa The Arena sa San Juan City.

Alas-2:00 ng hapon ang hambalusan ng nasa kulelat na UE Lady Warriors (2-7) at ADMU Lady Eagles (6-3), samantalang alas-4:00 ng hapon ang toka sa nasa terserang National University (6-3) at pumapanlimang Adamson University (4-5).

Babawi ang UE Lady Warriors kontra sa kabiguan sa Adamson University noong Linggo sa marathon match, 25-19, 11-25, 25-16, 16-25, 12-15, para manatiling mahawakan sa sariling mga kamay ang kapalaran.

Itutuloy naman ng Lady Eagles ang momentum sa ikalawang ikot ng torneo tapos dagitin ang National University noong Sabado, 25-22, 25-16, 25-17.

Inaasahang sasa­lakay para sa L’Warriors sina Mary Anne Mendrez, Shaya Adorador at Judith Abil na mga tumagpas ng 17, 12 at 10 points sa pagresbak sa kanila ng ADU Lady Falcons.

Babalikwas din ang NU Bulldogs kontra sa mga balibolistang taga-San Marcelino, Ermita.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy