Una sa Balita

“Adopt a family” program patok sa Central Luzon

0 580

Ikinagalak ng pamumuan ng Police Regional Office sa Central Luzon ang positibong pagresponde ng mga residente sa inilunsad na “Direktang Bayanihan Adopt a Family” program sa gitna ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Police Brig. General Rhodel Sermonia, PNP 3 director, unang tumugon ang mga pulis Zambales at residente ng Olongapo at Angeles, mga component cities sa Gitnang Luzon.

Sa ilalim ng programa ay hinihikayat ang mga may kaya sa buhay o maituturing na “well to do families” na ampunin pansamantala ang mga nagdarahop na mga kapitbahay at tulungan sa kanilang pangangailangan sa panahong umiiral ang krisis dulot ng COVID 19 pandemic.

Ito umano ang isang positibong naituro ng kinatatakutang COVID 19, namulat ang ating kababayan kung paano maging matulungin sa kapwa tao, dagdag ni Sermonia.

Pinasalamatan din ni Gen. Sermonia ang Cabanatuan City government sa pamumuno ni City Mayor Myca Elizabeth Vergara sa pagkakaloob ng 16 na mobile vehicles na magagamit sa pagpapanatili ng checkpoints sa 89 na barangay ng lungsod.(Jojo de Guzman)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More