Una sa Balita

Adobo at pansit, patok sa Madrid

By
0 5

Pumatok ang ilang pagkaing Pinoy na inihanda ng mga Filipino sa La Navideña Feria Internacional de las Culturas at the Matadero sa Madrid, Spain.

Tulad ng inaasahan, pinagkaguluhan ang paboritong pagkain ng mga Filipino tulad ng adobo, ginataang kalabasa at sitaw, pansit, barbecue, mango cake, turon at bibingka ng mga bumisita sa nasabing okasyon.

Maliban sa mga pagkain, ipinagmalaki rin ng Philippines’ booth ang Christmas decorations na gawa sa capiz shells at sinamay, hand-woven table linens mula sa La Union, at placemats woven mula sa Basey, Samar. Pinatikim din ang mga bisita sa nasabing okasyon ng lambanog, mango, coffee at calamansi liqueur.