Una sa Balita

Adobo ni Calvin pinagpiyestahan nina Vice, Vhong, Jhong

By
0 1,180

abante-paistaran-dondon-serminoLalong marami ang nagkakainteres sa ‘love affair’ nina Vice Ganda at basketbolistang si Calvin Abueva. Kahit nga sinabi nila na ‘friends’ lang sila, pero marami talaga ang mas naniniwala na magdyowa sila.

Kamakailan nga, habang umeere ang ‘Tawag ng Tanghalan’ saktong nahuli si Vice ng kanyang mga co-host na may kausap sa cellphone kaya naman sunod-sunod siyang kinantiyawan ng mga ito.

Pero walang takot na sumakay si Vice at ini-speaker phone pa ang cellphone para marinig ng lahat kung sino ang kausap niya.

“Hi madlang people,” bati ng lalaking boses sa audience ng “It’s Showtime.” Nang matapos na ang usapan, hindi pa rin tumigil si Jhong Hilario sa pag-usig sa unkabogable star.

“Si Calvin Abueva nga, my friend,” sabi ni Vice. “Sa dinami-dami naman ng mga naging kaibigan ko, iba ‘yan. He’s proud of me that I’m his friend.”

Kitang-kita naman ang suporta kay Vice ng “It’s Showtime” family, at maging ng mga netizen dahil karamihan din ay sumisigaw ng #CalVice bilang suporta sa mistulang umuusbong na relasyon ng dalawa.

Anyway, inabangan din kahapon ang pa-adobo ni Calvin sa mga taga-Showtime. Nangako nga kasi si Calvin na magluluto siya ng adobo para sa grupo nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Mariel Padilla, Ryan Bang, at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy