Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Adobo, bibingka umeksena sa Hallmark movie

0 61

Bida sa latest Hallmark movie na Right In Front Of Me ang Filipino-Canadian actor na si Marco Grazzini.

Dating commercial model sa Pilipinas si Marco at naging grand winner ito sa Mossimo Bikini Summit in 2004.

Last year ay dalawang Lifetime Christmas movies ang ginawa ni Marco bilang leading man: Christmas Unwrapped at Lonestar Christmas.

Ang maganda raw sa bagong Hallmark movie ni Marco, Filipino ang role niya.

“I’m playing a Filipino, sous chef Nick. He has this boss that he has to answer to, but sous chef Nick is trying to incorporate some Filipino items in the cuisine. An adobo empanada, or bibingka in a dessert,” sey ni Marco na nagtrabaho bilang chef sa isang restaurant noon sa Pilipinas.

Makakasama ni Marco ay si Janel Parrish ng Netflix series na To All The Boys I’ve Loved Before. First time daw na two Asians ang bida ng isang Hallmark movie. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.