Una sa Balita

Adik sa ‘Pinas, nabawasan – SWS

By
0 254

Nasa 73% ng mga Pilipino ang naniniwala na bumaba ang bilang ng mga illegal drug user sa bansa simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa kabila nito, 14% naman ang nagsabi na nadagdagan ang mga drug user sa nakalipas na tatlong taon habang 12% ang naniniwala na hindi nagalaw ang bilang ng mga adik sa bansa.

Batay sa latest available government data, mayroong 1.8 million illegal drug user sa bansa.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 13-16, 2019 sa may 1,200 adult nationwide.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More