Una sa Balita

Adik na tiyuhin pinakulong ng pamangkin

0 332

MATAPANG na ipinakulong ng pamangkin ang kanyang 48-anyos na adik na tiyuhin na garapalang gumagamit ng shabu sa loob ng kanilang bahay matapos arestuhin ng mga opisyal ng barangay sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Marlon Molleno, alyas ‘Dakot’, binata ng Block 4 Lot 7 Mahagony St., Garden City II Area B, Brgy. Queens Row West, dahil sa sumbong ng kanyang Grade 11 na pamangkin.

Sa ulat ni PCpl. Edilberto Reyes Jr. ng Bacoor City Poice Station, nakita umano ng dalagita ang kanyang tiyuhin na gumagamit ng shabu sa loob ng kanilang bahay.

Hindi nakatiis ang dalagita kaya nagtungo ito sa presidente ng subdibisyon na si Celso Dizon, at kasama ang ilang barangay official at mga tanod ay buma­lik sila sa kanilang bahay kung saan naaktuhan ang suspek na humihithit pa ng shabu.

Narekober sa suspek ang ilang drug paraphernalia. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy