Una sa Balita

Adik na kawatan gulpi-sarado sa taumbayan

By
0 797

Masakit na ang katawan dahil sa mga sipa, suntok at tad­yak, kalaboso pa ang umano’y durugistang kawatan nang gulpihin ng taumbayan matapos mahuli sa aktong hi­nablot ang cellphone ng isang menor-de-edad na lalaki sa Valen­zuela City, kamakalawa nang umaga.

Kinilala ang suspek na si Jomar Saucero, 28, naninirahan sa Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, bandang alas-nuwebe nang umaga, naglalalakad at nagse-cellphone ang 12-anyos na itinago sa pangalang ‘Ruben’ sa kahabaan ng Sitio Sulok, Barangay Ugong, Valenzuela City nang hablutin ng suspek ang cellphone nito.

Tumakbo si Sausero, pero nakita siya ng mga naroroon kaya hinabol ito hanggang sa abutan.

Dito na pinagtulu­ngang gulpihin ang suspek ng mga humabol sa kanya at bawat may padaan ay sinasapak at sinusuntok.

Nahinto lamang ang pananakit ng mga naroroon sa suspek nang magresponde na ang mga barangay tanod.

Nabatid na kila­lang notoryus na magnanakaw sa kanilang lugar si Sausero at positibo din ito sa paggamit ng iligal na droga.
Siya din daw (suspek) ang utak sa ‘jum­per’ ng kuryente sa C-5, Barangay Ugong ng lungsod.

Kasong robbery snatching in relation to 7610 (Child Abuse Law) ang kinakaharap na asunto ni Sausero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy