Una sa Balita

Adik na anak, pamangkin pinakulong ni tatay

0 401

HINDI na matiis ng isang ama ang pagiging lulong sa ipinagbaba­wal na gamot ng kanyang anak at pamangkin, kaya siya na mismo ang nagpaaresto sa kanila sa Bacoor City, Cavite kahapon.

Kasong alarm and scandal, grave threat at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban kina Ryan Jiggs Jardin, 23-anyos, at pinsang si Jiedderf Cawalig, 23, dahil sa reklamo ng ama ng una na si Jimmy Jardin, 58, pawang residente ng 267 Sambuhat St., Dulong Ba­yan, Bacoor City, Cavite.

Nauna dito, dakong alas-12:10 nang madaling-araw nang nagsisigaw ang magpinsan na suspek sa harapan ng kanilang bahay at nagbantang susunugin ito.

Sa galit na rin ng ama ng suspek ay tumawag ito sa tanggapan ng barangay at pinadakip ang da­lawa. Kasunod nito, nang kapkapan si Ryan ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang tinatayang .04 gramo ng shabu. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy