Una sa Balita

Adik ghost employee ng mambabatas

0 397

SINO raw itong mambabatas ang may inaala­gaang ghost employee sa kanyang payroll?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na sa dinadami-dami ng puwedeng kunin na 15/30 na empleyado, isang sugapa pa sa iligal na droga ang kinuha ng mambabatas.

Kunsabagay, hindi naman ito nagre-report sa trabaho dahil sa pumupunta lang ito sa opisina ng mambabatas tuwing kukubra ng suweldo.

Kaya naman pala kumuha ng ghost employee ang mambabatas ay dahil sa malaki ang cut niya sa suweldo nitong adik na emple­yado kuno.

Hindi naman umaangal itong adik dahil hindi naman siya magtatrabaho sa mambabatas kundi ginagamit lang ang kanyang pangalan para mailista sa payroll.

Dahil sa nakukubrang pera sa mambabatas, may nagagamit tuloy itong pera bilang pambili ng iligal na droga.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na may adik na ghost employee ay kilalang sanggang dikit ng mga Chinese. May letrang A sa kanyang pangalan as in Anda o datung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy